Mahal na kita, kahapon pa. (Tagalog)

Ayoko sana magsulat ng artikulo tungkol sayo. baka kase ako’y mabuko mo. Matalik na kaibigan pa naman saaki’y turing mo. Ngunit parang mga aktibista itong mga letrang nais maipabatid ang kanilang mga winiwika sa madla, sa mga madlang isa ka. 

Hindi ko alam kung kailan eksato nagsimula marahil nga’y matagal na itong nararamdaman ngunit natatabunan ng ibang mga elementong sa ati’y nagliligiran. Pagkakaibigan? Halos magkapatid ang pagtuturingan? Alin man sa mga iyan ay hindi ko alam. 

Pinigilan ko. Pinilit ko. Pinilit kong sabihin sa sarili ko na, baka iyan ay inis lang dahil hindi ka niya nalibre ng merienda. Baka iyan ay tampo lang nang sa iyong mensahe siya ay hindi rumisponde? Pero sadyang ang isip koy hindi nagpapaloko sa mga dahilang sing babaw ng pag-asang meron ako saiyo.

( pag naalaman kong pag-ibig man ito… )

Picture1

Hindi mo man alam ang eksaktong aking nararamdaman. At alam ko rin naman na wala kang pakialam katulad ng pagkakaalam kong hanggang ngayon hindi ako bumibitaw sa pag-asang sana isang araw makita mo naman ako hindi bilang kapatid at kaibigan. Sana. 

Gayon pa man, masakit man sa tuwing ika’y nasisinagan na masaya sa mga bagay na ako’y hindi kasama… masaya kasama ang iyong mga barkada… masaya sa piling ng iyong pamilya, masaya…masaya ka sa kaniya. Nakikita ko sa iyong mga mata.

Masakit man, ngunit kahit na ano pa, ako’y nandito lang… hindi mo man maramdaman ay laging nakaantabay.

Hindi man malinaw sa sulat kong ito kung sino ka, at ayoko rin naman malaman ng iba… basta ang aking lang alam, hindi ko man sigurado kung kailan pero mahal na kita, kahapon pa.

Advertisements

1 thought on “Mahal na kita, kahapon pa. (Tagalog)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s